Wednesday, January 7, 2009

♥ Mga Nagsipag Gumawa♥

♥Mary Bernadette Asprer♥
♥Jeninder Kaur Mushiana♥
♥Ericsson Buenaventura♥
♥Ana Fatima Carballo♥
♥Ruina Trisha Ruiz♥
♥Jonas Danting♥
♥Germaine Dela Cruz♥
♥Marco David Ronquillo♥
♥Esmeralda Gonzales♥
♥Ma. Crisara Pulumbarit♥
♥Louie Jay Despi♥

Renaissance

"KAHULUGAN NG RENAISSANCE"aNu nGa bA ang ReNaIsSancE?

_> ito ay nagmula sa salitang French na nangangahulugang "muling pagsilang" o rebirth

._> kilusang kultura o itelektwal na nagtangkang ibalik ang kagandaan ng sinaunang kulturang greek at roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon.

_> Panahon ng trasisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon.

_> Ang Renaissance ay kinakitaan ng pagtaliwas mula sa mga kaisipan na laganap noong Middle Ages kung saan ang tuon ay sa papel ng simahan sa buhay ng tao.


"PAG-USBONG NG RENAISSANCE"

Dail sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksyon sa europa sa middle ages.Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mga mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan.

Tuesday, January 6, 2009

PAG-USBONG NG KABIHASNAN SA MUNDO



PAG-USBONG NG KABIHASNAN SA MUNDO







a. Kabihasnang Mesopotamia



· Sa rehiyon ng Fertile Crescent matatagpuan ang isang lupain na
tinatawag na Mesopotamia na nangangahulugang lupain sa gitna ng ilog.


· Unang namuno ang mga Sumerian sumunod ang Babylonian, ni Hamurabi, sumunod ay ang huli na si Nebuchenezzar.


· Nagkaroon sila ng kalakalan sa karatig lugar at nabubuhay sila sa pagsasaka.


· Gumawa sila ng bahay ng mga Diyos na tinawag na Ziggurat.

b. Kabihasnang Persiano


· Ang mga Persiano ay nagmula sa kabundukan ng Han sa silangan ng Mesopotamia.


· Ang una nilang hanapbuhay ay pagsasaka.


· Gumawa sila ng gusali sa pamamagitan ng “bricks”.

c. Kabihasnang Tsino


· Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing- ilog, malapit sa Yellow River o Huang Ho.


· Ayon sa isang alamat, ang kauna- unahang dinastiyang nangibabaw sa China ay ang Xia o Hsia.


· Ang mga sinaunang pinuno ng China ay itinuturing na mga “Anak ng Langit” na nagtataglay ng Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan”, nangangahulugan ito ng pagsang-ayon ng mga diyos upang sila ay mamuno kapalit ng pamumunong matiwasay.

d. Kabihasnang Indus


· Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang- kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan.


· Ang kabihasnan ng India ay umusbong sa baybayin ng Indus River. Ang tubig ng ilog ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa katimugang Tibet.

e. Kabihasnang Egypt


· Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado sa pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.


· Noong unang panahon, ang Egypt ay tinawag na “Pamana ng Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.


· Ang matandang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ay tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt. Siya ay itinuturing din bilang isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa.

f. Kabihasnang Meso-America (Maya, Inca, Aztec)


MAYA


· Sa pagitan ng 250 B.C.E. at 50 B.C.E., ang lungsod ng El Mirador ay itinuturing na pinakamalaking sentro bago pa man sumibol ang kadakilaan ng Maya.


· Sa pagitan ng 300 B.C.E. at 700 B.C.E., naabot ng Mesoamerica nag rurok ng kabihasnan sa mga sentrong Maya.


· Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, smoked meat, pinatuyong isda, pulotpukyutan, kahoy at balat ng hayop.


· Isang uri ng sistemang agricultural ang pinasimulan din ng mga Maya, ang pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, avocado, chili pepper, pinya, papaya at cacao.


AZTEC


· Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti- unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.


· Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.Ang ekonomiya ng Aztec ay nakabatay sa pagtatanim. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak para sa buong populasyon.

EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO (PANAHON NG BATO)



EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO (PANAHON NG BATO)
PANAHONG PALEOLITIKO







· Ang Panahong Paleolitiko (Paleolithic Period o Old Stone Age) ang pinakamaagang panahong kinakitaan ng pag-unlad ng tao. Ang terminong ito ay mula sa mga katagng Greek na paleos o “matanda” at lithos o “bato”.
· Ang Panahong Paleolitiko ay nagsimula dalawa’t kalahating milyong taon na ang nakararaan at nagtapos noong 10, 000 B.C.E. sa iba’t ibang lugar. Ito rin ang hudyat ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene.
· Marahil ang pinakamahalagang katangian ng panahong ito ay ang naganap na pagbabagong- anyo ng tao mula sa pagiging isang malabakulaw na nilalang hanggang sa pagiging isang tunay na tao nang lumaon, ang Homo Sapiens.
· Ang pagbabagong ito ay lubhang napakabagal at nagpatuloy pa sa loob ng tatlong mahahabang dibisyon ng Panahong Paleolitiko: ang Lower Paleolithic; Middle Paleolithic; at Upper Paleolithic.
· Ang Lower Paleolithic Period ay panahon ng pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig simula nang maitala sa arkeolohiya ang kanyang pamumuhay.
· Sa Europa at Africa, ang Middle Paleolithic Period ay panahon mula sa kalagitnaan ng Panahong Paleolitiko na tumagal mula 120,000 hanggang 40,000 taon B.P.
· Ang Upper Paleolithic Period ay ikatlo at panghuling dibisyon ng Panahong Paleolitiko sa Europa, Africa at Asya. Saklaw nito ang panahon mula 40,000 at 8500 taon B.P.
· Sa pagtatapos ng Panahong Paleolitiko, lumamig ang klima ng daigdig nang bumaba ang temperatura nang halos 15°C.









PANAHONG NEOLITIKO







· Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic o New Stone Age). Ito ay hango sa mga salitang Greek na neos o “bago” at lithos o “bato”.
· Ang terminong Neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa teknolohiya.
· Katangian ng panahong ito ang paggamit ng iba’t ibang kasangkapang bato na higit na pulido at pino, pananatili ng tao sa mga pamayanan, domestikasyon ng mga pananim at hayop, at pagkakaroon ng mga kasanayan sa paggawa ng palayok at paghahabi.
· Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay itinatakda simula sa pagkakaroon ng malalaki at mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao.
· Ang pinakamaagang pinag- usbungan ng kulturang Neolitiko ay matatagpuan sa Kanlurang Asya sa pagitan ng 8000 at 6000 B.C.E. Sa bahaging ito ng Asya karaniwan ang mga pananim na trigo at barley.
· Sa pamamagitan ng mga isinagawang pagsusuri sa mga naiwang buto, ang isang karaniwang tao sa Catal Huyuk ay tinatayang nabuhay lamang ng hanggang halos 30 taon.
· Ang Catal Huyuk ay isang pamayanang sakahan. Ang mga tao rito ay nagtatanim ng trigo at barley at nag- aalaga ng mga tupa at baka.
· Ang kulturang Neolitiko sa Kanlurang Asya, particular sa lambak- ilog ng Tigris- Euphrates, ay yumabong sa pagiging isang sibilisasyon sa Panahon ng Bronse noong 3500 B.C.E.
· Sa pagitan ng 6000 B.C.E. at 2000 B.C.E., ang kulturang Neolitiko ay kumalat sa Europa, at sa mga lambak- ilog ng Nile sa Egypt, Indus sa India, at Huang Ho sa China.
· Ang pag- usbong ng mga kabihasnan sa daigdig ay hudyat muli ng panibagong kabanata sa kasaysayan ng sangkatauhan.

DIOCLECIAN CONSTANTINE






Si Diocletian at si Constantine




Si Gaius Aurelius Valerius Diocletianus (c. 236-316), na ipinanganak na Diocles (Greek Διοκλής) at kilala sa Ingles na Diocletian, ay ang emperador ng Roma mula Nobyembre 20, 284 hanggang Mayo 1, 305.















Si Constantine V Kopronymos o Copronymus (sa Griyego: Κωνσταντίνος Ε΄, Kōnstantinos V; 718–Setyembre 14, 775) ay ang emperador ng Byzantine mula 741 hanggang 775.










Ang Sinaunang Roma


Ang Sinaunang Roma


Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa, hilagang Afrika, at kanlurang Asya na nagtagal mula 753 BCE hanggang 476 CE. Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediterranean at bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat Itim.Ang mga Digmaang Puniko (Ingles: Punic Wars) ay isang serye o magkakasunod na tatlong digmaang pinaglaban sa pagitan ng Roma at Kartahena noong 264 hanggang 146 BK[1], at maaaring ang pinakamalaking mga digmaan sa sinaunang mundo.[2] Kilala sila bilang Digmaang Puniko (Punic Wars) dahil sa Punici ang taguri sa Kartaheno (Carthaginian) na nangangahulugang mas matandang Poenici, mula sa kanilang mga ninunong Poenisyano (o Phoenician ng Phoenicia).Imperyong Romano ang tawag sa imperyalistang paghahari na ibinunsad ng bansang-lungsod ng Roma at gayundin ng korespondeng panahon ng sibilisasyong iyon na pinamunuan ng isang autokratikong porma ng pamamahala. Ang huli ang tinatalakay dito. Sumunod ang Imperyong Romano sa 500-taong Republika Romana (510 BC – siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ni Gaius Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni Julio Cesar laban sa Dakilang Pompey. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa republika. Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang walang hanggang diktador (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio, na tagapagmana ni Cesar, sa Labanan sa Actium (ika-2 ng Setyembre 31 BC), at paggagawad ng Senadong Romano kay Octavio ng kagalang-galang na pangalang Augusto (ika-16 ng Enero 27 BC).Ang katagang Imperium Romanum (Imperyong Romano) ang pinakilalang katagang Latin kung saan ang salitang imperium ay nangangahulugan ng isang teritoryo sa isang bahagi ng mundo na nasa ilalim ng pamamahalang Romano. Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa Inglatera at Galia (Francia ngayon); sa halos buong Europa (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang Africa, kasama ang katabing lalawigan ng Ehipto, sa mga lugar ng mga Balkans, sa Dagat Itim, sa Asia Menor at halos buo ng Levante. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang Portugal, Espanya, Inglaterra at Francia, Italia, Albania, at Grecia, ang mga Balkanos, Turquia, at mga bahagi ng silangan at timog Alemania; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan: ang kasalukyang Ciria, Libanon, Israel, Jordan at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang Libya, Tunisia, Algeria at Morocco, hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng Gibraltar. Romano ang tawag ng mga taong namumuhay sa mga lugar na ito at napapailalim sa batas Romano. Bago pa man naging monarka ito, matagal nang lumalawak ang nasasakupan ng Roma at nasa tugatog ito sa ilalim ni Emperador Trajano sa pananakop nito ng Dacia (i.e., ng kasalukuyang Romania at Moldova gayundin ang ilang bahagi ng Hungary, Bulgaria at Ukraine noong AD 106, at ng Mesopotamia noong 116 (na sinundan ng pagbabalik ni Adriano). Sa tugatog nito, kontrolado ng Imperyong Romano ang may 5,900,000 km² (2,300,000 milya kwadrado) ng balat ng lupa at nakapaloob na Laot ng Mediterreneo na kung tawagin ng mga Romano na "mare nostrum"—Latin ng “aming dagat”. Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang impluwensyang Romano sa kultura, batas, teknolohiya, wika, relihiyon, gobyerno, militar at arkitektura ng mga sibilisasyong lumitaw sa matandang nuno nito.Minsang inilalagay ang wakas ng Imperyong Romano sa ika-4 ng Setyembre 476 AD nang ibagsak ang emperador ng Kanlurang Imperyong Romano na si Romulo Augusto na hindi na napalitan. Subalit, si Diocleciano na nagretiro noong AD 305, ang nag-iisang huling Emperador ng di nahahating Imperyo kung saan ang kabisera ay ang Lungsod ng Roma. Roma. Matapos hatiin ni Diocleciano bilang Silangan at Kanlurang Imperyo, nagpatuloy ang bawat sanga na may kanyang istilo ng “Imperyong Romano”. Humupa at bumagsak ang Imperyong Romano ng Kanluran sa pagdaan ng siglo 5. Ang Imperyo Romano ng Silangan, na nakatahan sa Nova Roma (na ibinunsad ni Constantino I sa Griyegong lungsod ng Bizancio) at nang lumaon Griyego ang naging pangunahing wika nito na kilala ngayong bilang Imperyong Bizantino at nagpanatili sa mga batas at kulturang Greco-Romano gayunding sa mga Helenikong elemento nito at Kristiyanismong Ortodoxo sa sumunod na milenyo hanggang sa pagbagsak at pagsakop ng Constaninople (Istambul ngayon), ang nagiSi Julio Cesar ay isang Dictator Perpetuus (diktador sa habambuhay) na isang opisyal na puwesto sa Republikang Romano. Ang puwestong ito ay napakataas at hindi karaniwang porma ng diktador. Ayon sa batas, ang pamumuno ng isang diktador ay karaniwang hindi lalagpas sa anim na buwan. Ang puwestong binuo ni Cesar ay malinaw na laban sa pangunahing prinsipyo ng Republikang Romano. Gayunpaman, nakasalalay ang kanyang kapangyarihan sa republikanong titulong ito gaano man kakaiba ito bilang isang republikanong opisyal. Maraming senador, na marami rito ay dati niyang mga kaaway na “maluwat” niyang pinatawad, ang natatakot na puputungan niya ng korona ang sarili at magtatatag ng isang monarkiya. Sumunod dito, nagsabuwatan sila upang patayin siya at noong Ides ng Marso, 44 BC, namatay sa talim ng mga pumaslang ang diktador sa habambuhay.


Si Octavio, na apo sa pamangkin, anak-anakan, at tagapagmana sa politika, ay natuto sa kamaliang ginawa ng nagpamana at hindi gumamit ng kinatatakutang titulong diktador. Sa halip, maingat na itinago niya ang kanyang kapangyarihan sa ilalim pormang republikano. Ginawa niya ito upang maipakita kunyari ang pagbabalik ng Republika. Nagtamo siya ng maraming titulo tulad ng Augustus – “ang iniluklok”, ang Princeps – na isinasaling bilang “unang mamamayan ng republikang Romano” o ang “pangulo ng Senadong Romano”. Ang huli ay iginagawad sa mga nakapaglingkod nang mabuti sa bansa. Si Pompey ay ginawaran din ng titulong ito.Dagdag pa rito, si Augusto (na ng lumaon ay ipinangalan sa kanya) ay ginawaran ng karapatang magsuot ng Koronang Sibiko ng laurel at roble(oak). Gayunpaman, walang titulo o Koronang Sibiko na nagdaragdag sa kapayarihan ni Augusto. Isa lamang siyang marangal ng mamamayang Romano na may hawak ng pagkakonsulado. Naging Pontifex Maximus si Augusto matapos mamatay si Marcus Aemilius Lepidus noong 13 BC. Nang lumaon, kapangyarihan lamang ang kailangan niya at hindi ang mga titulo.Ang Labanan sa Actium ang lumupig at nang lumaon ang naging dahilan ng pagpapakamatay nina Marco Antonio at Cleopatra. Ipinapatay rin ni Octavio ang batang anak ni Cleopartra kasama sa pagbabagsak sa pamumuno ni Cesario. Sinasabing si Cesario ang kaisa-isang anak ni Julio Cesar. Sa pagpatay ni Octavio kay Cesario, nawalan siya ng karibal sa trono na may dugo ni Julio Cesar. Sinimulang baguhin ni Octavio, na ngayo’y nag-iisang namumuno ng Roma, ang mga balangkas nitong militar, piskal at politikal. Ginawa ito upang patatagin at patahimikin ng mundong Romano at lubos na tanggapin ang bagong rehimen. Nang umupo si Octavio bilang puno ng mundong Romano, ginawaran siya ng Senadong Romano ng pangalang Augusto. Inangkin rin niya ang titulong imperator “ulong komandante” bilang pangalan. Ito ay isang kataga noon pang panahon ng Republika at nang lumaon ay uminog sa katagang emperador. Bilang ampong tagapagmana ni Cesar, ginusto ni Augusto na tawagin rin siya sa pangalang ito. Bahagi raw ang Cesar sa apelyido niya. Ang pamumuno ng Julio-Claudio ay tumagal nang may isang siglo (mula kay Julio Cesar noong gitna ng siglo 1 BC hanggang kay Emperador Nero noong gitna ng unang siglo AD). Noong dumating ang Dinastiya ni Flavio, ang reino ni Vespasiano at ng dalawa niyang anak na si Tito at Domiciano, uminog ang katagang Cesar mula bilang isang apelyido, de facto, hanggang maging isang pormal na titulo. Matutunghayan pa rin magpahanggang sa kasalukuyan ang mga hinalaw na titulo mula rito (tulad ng czar at kaiser). Ang bilang ng lehiyong Romano, na sumukdol sa halos 50 dulot sa mga giyera sibil, ay bumaba sa 28. Marami rito ang binuwag lalo kung saan hindi tanto ang katapatan,. Ang ibang lehiyon ay pinagsama tulad ng ipinahihiwatig ng titulong Gemina (Kambal). Nagbuo rin si Augusto ng siyam na espesyal ng cohorts na maliwanag na ginawa upang mapanatili ang kapayapaan sa Italia at kung saan mga tatlo rito ay naka-himpil sa Roma. Ang mga cohorts na ito ay tinawag ng Guardyang Pang-Praetoria Natanto ni Octavio na maraming daang taong nang hindi nararanasan ng mga Romano ang autokrasya at paghahari, at kaya nangingilag sila sa kanya. Hindi niya gustong tingalain siya bilang isang diktador. Kanyang pinanatili ang ilusyon na isang republikang konstitusyonal ang pamahalaan. Kanyang ipinakita na parang gumagana pa ang batas ng Republikang Romano. Kahit na ang ibang nakalipas na mga diktador tulad ng malupit na si Lucius Cornelius Sulla, maikling panahon lamang (hindi hihigit sa isa o dalawang taon maliban kay Julio Cesar) , ang pamumuno nila sa Roma. Noong siglo 27, opisyal na sinubukan ni Octavio na ilipat ang lahat ng extraordinaryong kapangyarihan Senadong Romano. Sa isang pagkukunwari, kaalyado niya ang mga senador noong panahong iyon at kaya’y nagmakaawa sa kanya na sa kanya na lamang ang mga kapangyarihang ito para sa kapakanan ng republika at bayan ng Roma. Naiuulat ang pagtatangkang pagbaba bilang isang konsulado ni Octavio ay nagdulot ng kaguluhan sa mga Plebiano sa Roma. Isang kompromiso sa pagitan ng Senado at ni Octavio ang napagkasunduan na tinawag na Unang Kasunduan. Ang kasunduang ito ang nagbigay ng lehitimong pamumuno ni Augusto bilang isang autokrata ng bayan at nagtatalaga na hindi siya tatawaging malupit na puno na naging simula ng mahabang panahon na tatawing Pax Romana Hinati ni Octavio sa pagitan niya at sa Senado ang pamamahala ng mga lalawigan. Ang mga hindi masupil ng lalawigan sa mga hanggahan kung saan nakahimpil ang kalakhan ng sandatahang pandigma ay nasa ilalim ng mga legadong imperyal na pinili ng mismong emperador. Tinawag ang mga probinsyang ito na probinsyang imperyal. Ang mga gobernador ng mga mapayapang probinsyang senatorial ay pinili ng Senado. Mapayapa ang mga probinsyang ito na nangangailan lamang isang lehiyon tulad ng lalawigan ng Africa.

Mga Isyong pang Kapaligiran ng Daigdig


Mga Isyong pang Kapaligiran ng Daigdig


Iligal Na Pagtrotroso: ito ang isang dahilan kong bakit nawawasak ang ating magandang kapaligiran at nakakapagdulot ito ng pag baha sa kadahilanang pinuputol ng walang paalam ang mga puno sa kabundukan.



Dynamite Fishing: ito ang isang dahilan kong bakit nawawasak ang magandang yamang tubig natin dahil dito nasisirra ang mga corals n g ating dagat kaya ang ipekto nito sa atin ay mabilis na pagtaas ng tubig dagat.at dahil dito marami ang naapektohandahil sa tubig baha.


Air pollution: ito ang isang dahilan kong bakit nasisira an gating kapaligiran dahil sa mga sasakyan na naglalabas na maiitim na usok.