Mayroong tatlong papel na ginampanan ng Simbahang Katoliko sa Panahon ng Karimlan, at ito ang:
1) Paglaganap ng Kristiyanismo
♥ Franks - unang pangkat ng barbaro na tumanggap ng Kristiyanismo
♥ Clovis - pinuno ng mga Franks na naghikayat sa mga ito na tanggapin ang Kristiyanismo
♥ St. Augustine - nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Europa
♥ St. Patrick - nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Ireland
♥St. Boniface - nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Germany at nagtatag ng mga paaralan at monasteryo
2) Tumulong at Nagbigay ng Pagkain sa mga Mamamayan
♥ Ang mga gulay at prutas mula sa kanilang mga malalawak na lupain (na donasyon ng mga mayayaman) ay inihahanda upang ipakain sa mga mahihirap at mga nakaranas ng digmaan ~> Nagbigay din ng ilang mga gulay at prutas sa mga pamilya
3) Nagtatag ng mga Paaralan, Pagamutan at Bahay-Ampunan
♥ Apat na uri ng paaralan ang kanilang itinatag:
a) Paaralang Pamparokya - tinuturuang magbasa, magsulat at magbilang
b) Paaralang Pang-awit - tinuturuan ng mga musikang pansimbahan
c) Paaralang Episcopal - sinasanay para sa gawaing pansimbahan
d) Monasteryo - sinasanay upang maging pari o monghe
♥ Nagtatag sila ng mga pagamutan at bahay-ampunan na malapit sa monasteryo.
(.ang impormasyong ito ay nakuha ko sa nagngangalang kyle.)
thanks d2 sa ginawa niyo ha!
ReplyDelete