IMPERYONG BYZANTINE
Noong 330 c.e,inilipat ni emperador constantine ang kabisera ng imperyong roman sa constantinople,sa dakong silangan ng imperyo kung saan ang wika ng nakararaming tao ay greek .Nang muling gawing kabisera ang rome noong 395,ito ay bilang kabisera lamang ng kanlurang bahagi ng imperyo.Nanatili ang mga constantinople bilang kabisera ng silangang imperyong roman.Bagamat bumagsak ang kanlurang imperyong roman noong 476 c.e,ang silangang imperyong roman ay nanatiling buhay.Subalit ng lumaon.nahalinhan ang silangang imperyong roman ng isa pang imperyoonmg may kakaibang katangian.Ito ang imperyong byzantine.Simula noong ikaanim na siglo,sinikap nito na muling itatag ang pagkakaisang pulitikal sa mga rehiyong mediterranean.
ANG PAMAHALAANG BYZANTINE
Sa pamahalaang byzantine,ang emperador ang lubos na pinuno ng pamahalaan.Noong una,siya ay hinalal ng senado,ng mga tao,ng hukbo o lahat silang tatlo.Namg lumaon,naging kaugalian na payagan ang anak ng emperador na humalili at pagkatapos ay alisin siya kung mahina o walang kakayahan.Ang emperador ay itinuturing na banal at hinirang ng diyos.Nakatira siya sa isang magarang palasyo at gumaganap sa maraming seremonya.Sa pamahalaang sibil,walang hihigit sa emperador sapagkat siya ang gumagawa ng batas at nagpapatupad nito.Nangingibabaw ang kanyang kapangyarihan sa simbahan.siya ang humirang sa patriarch ng constantinople na tumatayong pinuno ng simbahan.Siya ang tumatawag ng mga pagpulong ng simbahan at inilalathala niya ang dekrito nito.Sa pangkalahatan,siya ang nangagasiwa ng lahat ng ginagawa ng mga pari.
MGA KONTRIBUSYON NG BYZANTIUM SA KABIHASNAN
Napatanyag ang byzantine hindi lamang sa pagiging imperyo kung hindi sa pagiging sentro ng pag-aaral.nagsama sa byzantine ang kaalamang ipinamana ng mga greek ang nanaig at hindi ang kabihasnang roman.mahalaga ang kontribusyon ng imperyong byzantine sa daigdig.samantalang nababalot sa kaguluhan ang europa at bumaba ang interes sa pag-aaral,namayagpag ang mga iskolar ng Byzantine.
.....................................................................................t.y.
ReplyDeleteanu ano ba ung resulta nug mga hakbang nina constantine at deocletian? slamat.
ReplyDelete:)) THANKS SA INFO! ISANG NAPAKALAKING TULONG! :))) GOOD JOB!!! SANA MAG POST P KAYO NG IBANG TOPICS.. :))
ReplyDeleteAno ang impluwensya ng Simbahang Katoliko sa Imperyong Byzantine ?? :)
ReplyDeletemga emperador ng byzantine ?
ReplyDeleteano nag dahilan ng pagkakaroon ng sariling simbahan ng imperyong byzantine?
ReplyDeleteIto talaga ang nakasulat sa libro namin . kayo ba ang nangopya o ang libro? Pareho talaga contents ehh..
ReplyDeletesalamat
ReplyDelete