Tuesday, January 6, 2009

Mga Unang Tao


Pinagmulan ng Unang Tao


Bungo ng Taong Peking.Mula sa panukala ng pagbabago o teoriya ng ebolusyon, nilahad na "mga nilalang na anyong bakulaw" ang "pinakahuling pinagmulan ng tao." Nilarawang mga "hukot, hindi lapat ang katawan sa paglakad nang nakatayo sa dalawang paa" ang mga ninunong bakulaw ng kasalukuyang mga tao. Nagkaroon ng mga patung-patong na pagbabago bago naging tunay na tao ang mga bakulaw. Kabilang sa "patong" na ito ang pagbabago sa anyo ng paa, baywang, at gulugod (ang buto sa likuran). Sa larangan ng biyolohiya, tinawag na homo erectus o mga unang taong nakatindig ang mga unang taong nagkaroon ng mga katawang may kakayahang "mabuhay nang nakatayo" sa maghapon, sa araw-araw, at sa habang may buhay. Kabilang sa mga ito ang mga taong Java, taong Peking (taong Beijing, kung isasalin sa kasalukuyang paraan ng romanisasyong pang-wikang Intsik), at taong Tabon). Natagpuan ang mga labing buto ng mga ito sa Asya.


Australopithecus (bakulaw na Taga-timog): pangalang binigay sa uri ng unang tao

Africanus: matulis ngipin, karne, di-tuwid katawan sa paglakad, kasangkapang bato't buto, kaunting noo, maliit at payat kaysa sa robustusRobustus: gulay, lumalakad nang patayo subalit di tuwid, walang noo, walang kagamitan, nakatira sa kagubatan, masmalaki sa africanusCro-Magnon: masmalaking utak kaysa sa atin, matangkad(6talampakan), malalaki ang katawanCarl Sagan: malaki man ang katawan nila, nandito pa rin tayo dahil sa ating abilidadNeanderthal: malapat at makapal ang bungo sapagkat higit na malaki ang laman nitong utak kaysa karaniwang tao ngayonHomo Habilis: mataas noo, karne't gulay, lakad patayo't tuwid, kasangkapang bato,nagtayo ng tirahan, higit na malaking utak kaysa Australopithecus, namuhay bilang pangkat

Homo Erectus: Mataas noo, karne, gulay, nakatayo sa paglakad, iba't ibang tirahan, kagamitan, apoy, di-kataasan..

1 comment: