Tuesday, January 6, 2009

PAG-USBONG NG KABIHASNAN SA MUNDO



PAG-USBONG NG KABIHASNAN SA MUNDO







a. Kabihasnang Mesopotamia



· Sa rehiyon ng Fertile Crescent matatagpuan ang isang lupain na
tinatawag na Mesopotamia na nangangahulugang lupain sa gitna ng ilog.


· Unang namuno ang mga Sumerian sumunod ang Babylonian, ni Hamurabi, sumunod ay ang huli na si Nebuchenezzar.


· Nagkaroon sila ng kalakalan sa karatig lugar at nabubuhay sila sa pagsasaka.


· Gumawa sila ng bahay ng mga Diyos na tinawag na Ziggurat.

b. Kabihasnang Persiano


· Ang mga Persiano ay nagmula sa kabundukan ng Han sa silangan ng Mesopotamia.


· Ang una nilang hanapbuhay ay pagsasaka.


· Gumawa sila ng gusali sa pamamagitan ng “bricks”.

c. Kabihasnang Tsino


· Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing- ilog, malapit sa Yellow River o Huang Ho.


· Ayon sa isang alamat, ang kauna- unahang dinastiyang nangibabaw sa China ay ang Xia o Hsia.


· Ang mga sinaunang pinuno ng China ay itinuturing na mga “Anak ng Langit” na nagtataglay ng Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan”, nangangahulugan ito ng pagsang-ayon ng mga diyos upang sila ay mamuno kapalit ng pamumunong matiwasay.

d. Kabihasnang Indus


· Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang- kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan.


· Ang kabihasnan ng India ay umusbong sa baybayin ng Indus River. Ang tubig ng ilog ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa katimugang Tibet.

e. Kabihasnang Egypt


· Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado sa pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.


· Noong unang panahon, ang Egypt ay tinawag na “Pamana ng Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.


· Ang matandang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ay tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt. Siya ay itinuturing din bilang isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa.

f. Kabihasnang Meso-America (Maya, Inca, Aztec)


MAYA


· Sa pagitan ng 250 B.C.E. at 50 B.C.E., ang lungsod ng El Mirador ay itinuturing na pinakamalaking sentro bago pa man sumibol ang kadakilaan ng Maya.


· Sa pagitan ng 300 B.C.E. at 700 B.C.E., naabot ng Mesoamerica nag rurok ng kabihasnan sa mga sentrong Maya.


· Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, smoked meat, pinatuyong isda, pulotpukyutan, kahoy at balat ng hayop.


· Isang uri ng sistemang agricultural ang pinasimulan din ng mga Maya, ang pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, avocado, chili pepper, pinya, papaya at cacao.


AZTEC


· Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti- unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.


· Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.Ang ekonomiya ng Aztec ay nakabatay sa pagtatanim. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak para sa buong populasyon.

6 comments:

  1. Thank you for the information about Kabihasanang Maya...

    ReplyDelete
  2. pede po pakilagay ung mga dinastaiya ng china d ko kac mahanap eh dami ko na napuntahan mga website pero la pa rin huhuhuh..!! T_T

    ReplyDelete
  3. bat alang inCa>? >:(

    ReplyDelete
  4. wala bang kabihasnang amerika.? hirap nmn hanapin.. . :((

    ReplyDelete