EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO (PANAHON NG BATO)
PANAHONG PALEOLITIKO
PANAHONG PALEOLITIKO
· Ang Panahong Paleolitiko (Paleolithic Period o Old Stone Age) ang pinakamaagang panahong kinakitaan ng pag-unlad ng tao. Ang terminong ito ay mula sa mga katagng Greek na paleos o “matanda” at lithos o “bato”.
· Ang Panahong Paleolitiko ay nagsimula dalawa’t kalahating milyong taon na ang nakararaan at nagtapos noong 10, 000 B.C.E. sa iba’t ibang lugar. Ito rin ang hudyat ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene.
· Marahil ang pinakamahalagang katangian ng panahong ito ay ang naganap na pagbabagong- anyo ng tao mula sa pagiging isang malabakulaw na nilalang hanggang sa pagiging isang tunay na tao nang lumaon, ang Homo Sapiens.
· Ang pagbabagong ito ay lubhang napakabagal at nagpatuloy pa sa loob ng tatlong mahahabang dibisyon ng Panahong Paleolitiko: ang Lower Paleolithic; Middle Paleolithic; at Upper Paleolithic.
· Ang Lower Paleolithic Period ay panahon ng pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig simula nang maitala sa arkeolohiya ang kanyang pamumuhay.
· Sa Europa at Africa, ang Middle Paleolithic Period ay panahon mula sa kalagitnaan ng Panahong Paleolitiko na tumagal mula 120,000 hanggang 40,000 taon B.P.
· Ang Upper Paleolithic Period ay ikatlo at panghuling dibisyon ng Panahong Paleolitiko sa Europa, Africa at Asya. Saklaw nito ang panahon mula 40,000 at 8500 taon B.P.
· Sa pagtatapos ng Panahong Paleolitiko, lumamig ang klima ng daigdig nang bumaba ang temperatura nang halos 15°C.

PANAHONG NEOLITIKO
· Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic o New Stone Age). Ito ay hango sa mga salitang Greek na neos o “bago” at lithos o “bato”.
· Ang terminong Neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa teknolohiya.
· Katangian ng panahong ito ang paggamit ng iba’t ibang kasangkapang bato na higit na pulido at pino, pananatili ng tao sa mga pamayanan, domestikasyon ng mga pananim at hayop, at pagkakaroon ng mga kasanayan sa paggawa ng palayok at paghahabi.
· Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay itinatakda simula sa pagkakaroon ng malalaki at mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao.
· Ang pinakamaagang pinag- usbungan ng kulturang Neolitiko ay matatagpuan sa Kanlurang Asya sa pagitan ng 8000 at 6000 B.C.E. Sa bahaging ito ng Asya karaniwan ang mga pananim na trigo at barley.
· Sa pamamagitan ng mga isinagawang pagsusuri sa mga naiwang buto, ang isang karaniwang tao sa Catal Huyuk ay tinatayang nabuhay lamang ng hanggang halos 30 taon.
· Ang Catal Huyuk ay isang pamayanang sakahan. Ang mga tao rito ay nagtatanim ng trigo at barley at nag- aalaga ng mga tupa at baka.
· Ang kulturang Neolitiko sa Kanlurang Asya, particular sa lambak- ilog ng Tigris- Euphrates, ay yumabong sa pagiging isang sibilisasyon sa Panahon ng Bronse noong 3500 B.C.E.
· Sa pagitan ng 6000 B.C.E. at 2000 B.C.E., ang kulturang Neolitiko ay kumalat sa Europa, at sa mga lambak- ilog ng Nile sa Egypt, Indus sa India, at Huang Ho sa China.
· Ang pag- usbong ng mga kabihasnan sa daigdig ay hudyat muli ng panibagong kabanata sa kasaysayan ng sangkatauhan.
ang galing tnx sa pagtulong niyo sa ass. ko d lng ako kundi kami tnxxxxxxxxxxx paunlarin nyo pa at siguradong marami pa kayong matutulungan [siguraduhin nyo lang na tama yung nilalagay nyo huh!] joke ;)
ReplyDeletewow ganda ng pag kakagawa niyo ah nakatulung talaga
ReplyDeleteNIce Guys, hirap kc ako makahanap until i found here...thanks...
ReplyDeleteganda guys.!! kagabi pa ako. naghahanap nito wala talaga akong nakita.. at ngayun nakita na rin kita..
ReplyDeletetnx. a lot guyss..!
''yeah one of the best group for me''
ReplyDelete''u help me a lot for my exam tommorow''
keep up the good work guys..and more power'
3-B silver
Northville San Fernando Integrated School
ah.....ok ah.....
ReplyDeleteGaling-galing!!! Salamat
ReplyDeleteMaganda ang nilalaman na impormasyon at nakatutulong talaga sa mga mag-aaral na kagaya ko. Kaya lang may kulang eh! Nagsisilbing isang transisyon na panahon ang Kulturang Mesolitiko sa Kulturang Neolitiko at ayon ang sinasabi kong kulang at isa pa sana isinama niyo na rin po ang Panahon ng Metal na kung saan ito ang kadugsong na panahon!

ReplyDeletenice one guys ang galing ng pagkakagawa.. good job kung ako lang sana ang teacher niyo sa ap 95 ang grade nyo sa akin.
ReplyDelete