Ang Sinaunang Roma
Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa, hilagang Afrika, at kanlurang Asya na nagtagal mula 753 BCE hanggang 476 CE. Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediterranean at bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat Itim.Ang mga Digmaang Puniko (Ingles: Punic Wars) ay isang serye o magkakasunod na tatlong digmaang pinaglaban sa pagitan ng Roma at Kartahena noong 264 hanggang 146 BK[1], at maaaring ang pinakamalaking mga digmaan sa sinaunang mundo.[2] Kilala sila bilang Digmaang Puniko (Punic Wars) dahil sa Punici ang taguri sa Kartaheno (Carthaginian) na nangangahulugang mas matandang Poenici, mula sa kanilang mga ninunong Poenisyano (o Phoenician ng Phoenicia).Imperyong Romano ang tawag sa imperyalistang paghahari na ibinunsad ng bansang-lungsod ng Roma at gayundin ng korespondeng panahon ng sibilisasyong iyon na pinamunuan ng isang autokratikong porma ng pamamahala. Ang huli ang tinatalakay dito. Sumunod ang Imperyong Romano sa 500-taong Republika Romana (510 BC – siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ni Gaius Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni Julio Cesar laban sa Dakilang Pompey. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa republika. Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang walang hanggang diktador (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio, na tagapagmana ni Cesar, sa Labanan sa Actium (ika-2 ng Setyembre 31 BC), at paggagawad ng Senadong Romano kay Octavio ng kagalang-galang na pangalang Augusto (ika-16 ng Enero 27 BC).Ang katagang Imperium Romanum (Imperyong Romano) ang pinakilalang katagang Latin kung saan ang salitang imperium ay nangangahulugan ng isang teritoryo sa isang bahagi ng mundo na nasa ilalim ng pamamahalang Romano. Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa Inglatera at Galia (Francia ngayon); sa halos buong Europa (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang Africa, kasama ang katabing lalawigan ng Ehipto, sa mga lugar ng mga Balkans, sa Dagat Itim, sa Asia Menor at halos buo ng Levante. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang Portugal, Espanya, Inglaterra at Francia, Italia, Albania, at Grecia, ang mga Balkanos, Turquia, at mga bahagi ng silangan at timog Alemania; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan: ang kasalukyang Ciria, Libanon, Israel, Jordan at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang Libya, Tunisia, Algeria at Morocco, hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng Gibraltar. Romano ang tawag ng mga taong namumuhay sa mga lugar na ito at napapailalim sa batas Romano. Bago pa man naging monarka ito, matagal nang lumalawak ang nasasakupan ng Roma at nasa tugatog ito sa ilalim ni Emperador Trajano sa pananakop nito ng Dacia (i.e., ng kasalukuyang Romania at Moldova gayundin ang ilang bahagi ng Hungary, Bulgaria at Ukraine noong AD 106, at ng Mesopotamia noong 116 (na sinundan ng pagbabalik ni Adriano). Sa tugatog nito, kontrolado ng Imperyong Romano ang may 5,900,000 km² (2,300,000 milya kwadrado) ng balat ng lupa at nakapaloob na Laot ng Mediterreneo na kung tawagin ng mga Romano na "mare nostrum"—Latin ng “aming dagat”. Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang impluwensyang Romano sa kultura, batas, teknolohiya, wika, relihiyon, gobyerno, militar at arkitektura ng mga sibilisasyong lumitaw sa matandang nuno nito.Minsang inilalagay ang wakas ng Imperyong Romano sa ika-4 ng Setyembre 476 AD nang ibagsak ang emperador ng Kanlurang Imperyong Romano na si Romulo Augusto na hindi na napalitan. Subalit, si Diocleciano na nagretiro noong AD 305, ang nag-iisang huling Emperador ng di nahahating Imperyo kung saan ang kabisera ay ang Lungsod ng Roma. Roma. Matapos hatiin ni Diocleciano bilang Silangan at Kanlurang Imperyo, nagpatuloy ang bawat sanga na may kanyang istilo ng “Imperyong Romano”. Humupa at bumagsak ang Imperyong Romano ng Kanluran sa pagdaan ng siglo 5. Ang Imperyo Romano ng Silangan, na nakatahan sa Nova Roma (na ibinunsad ni Constantino I sa Griyegong lungsod ng Bizancio) at nang lumaon Griyego ang naging pangunahing wika nito na kilala ngayong bilang Imperyong Bizantino at nagpanatili sa mga batas at kulturang Greco-Romano gayunding sa mga Helenikong elemento nito at Kristiyanismong Ortodoxo sa sumunod na milenyo hanggang sa pagbagsak at pagsakop ng Constaninople (Istambul ngayon), ang nagiSi Julio Cesar ay isang Dictator Perpetuus (diktador sa habambuhay) na isang opisyal na puwesto sa Republikang Romano. Ang puwestong ito ay napakataas at hindi karaniwang porma ng diktador. Ayon sa batas, ang pamumuno ng isang diktador ay karaniwang hindi lalagpas sa anim na buwan. Ang puwestong binuo ni Cesar ay malinaw na laban sa pangunahing prinsipyo ng Republikang Romano. Gayunpaman, nakasalalay ang kanyang kapangyarihan sa republikanong titulong ito gaano man kakaiba ito bilang isang republikanong opisyal. Maraming senador, na marami rito ay dati niyang mga kaaway na “maluwat” niyang pinatawad, ang natatakot na puputungan niya ng korona ang sarili at magtatatag ng isang monarkiya. Sumunod dito, nagsabuwatan sila upang patayin siya at noong Ides ng Marso, 44 BC, namatay sa talim ng mga pumaslang ang diktador sa habambuhay.
Si Octavio, na apo sa pamangkin, anak-anakan, at tagapagmana sa politika, ay natuto sa kamaliang ginawa ng nagpamana at hindi gumamit ng kinatatakutang titulong diktador. Sa halip, maingat na itinago niya ang kanyang kapangyarihan sa ilalim pormang republikano. Ginawa niya ito upang maipakita kunyari ang pagbabalik ng Republika. Nagtamo siya ng maraming titulo tulad ng Augustus – “ang iniluklok”, ang Princeps – na isinasaling bilang “unang mamamayan ng republikang Romano” o ang “pangulo ng Senadong Romano”. Ang huli ay iginagawad sa mga nakapaglingkod nang mabuti sa bansa. Si Pompey ay ginawaran din ng titulong ito.Dagdag pa rito, si Augusto (na ng lumaon ay ipinangalan sa kanya) ay ginawaran ng karapatang magsuot ng Koronang Sibiko ng laurel at roble(oak). Gayunpaman, walang titulo o Koronang Sibiko na nagdaragdag sa kapayarihan ni Augusto. Isa lamang siyang marangal ng mamamayang Romano na may hawak ng pagkakonsulado. Naging Pontifex Maximus si Augusto matapos mamatay si Marcus Aemilius Lepidus noong 13 BC. Nang lumaon, kapangyarihan lamang ang kailangan niya at hindi ang mga titulo.Ang Labanan sa Actium ang lumupig at nang lumaon ang naging dahilan ng pagpapakamatay nina Marco Antonio at Cleopatra. Ipinapatay rin ni Octavio ang batang anak ni Cleopartra kasama sa pagbabagsak sa pamumuno ni Cesario. Sinasabing si Cesario ang kaisa-isang anak ni Julio Cesar. Sa pagpatay ni Octavio kay Cesario, nawalan siya ng karibal sa trono na may dugo ni Julio Cesar. Sinimulang baguhin ni Octavio, na ngayo’y nag-iisang namumuno ng Roma, ang mga balangkas nitong militar, piskal at politikal. Ginawa ito upang patatagin at patahimikin ng mundong Romano at lubos na tanggapin ang bagong rehimen. Nang umupo si Octavio bilang puno ng mundong Romano, ginawaran siya ng Senadong Romano ng pangalang Augusto. Inangkin rin niya ang titulong imperator “ulong komandante” bilang pangalan. Ito ay isang kataga noon pang panahon ng Republika at nang lumaon ay uminog sa katagang emperador. Bilang ampong tagapagmana ni Cesar, ginusto ni Augusto na tawagin rin siya sa pangalang ito. Bahagi raw ang Cesar sa apelyido niya. Ang pamumuno ng Julio-Claudio ay tumagal nang may isang siglo (mula kay Julio Cesar noong gitna ng siglo 1 BC hanggang kay Emperador Nero noong gitna ng unang siglo AD). Noong dumating ang Dinastiya ni Flavio, ang reino ni Vespasiano at ng dalawa niyang anak na si Tito at Domiciano, uminog ang katagang Cesar mula bilang isang apelyido, de facto, hanggang maging isang pormal na titulo. Matutunghayan pa rin magpahanggang sa kasalukuyan ang mga hinalaw na titulo mula rito (tulad ng czar at kaiser). Ang bilang ng lehiyong Romano, na sumukdol sa halos 50 dulot sa mga giyera sibil, ay bumaba sa 28. Marami rito ang binuwag lalo kung saan hindi tanto ang katapatan,. Ang ibang lehiyon ay pinagsama tulad ng ipinahihiwatig ng titulong Gemina (Kambal). Nagbuo rin si Augusto ng siyam na espesyal ng cohorts na maliwanag na ginawa upang mapanatili ang kapayapaan sa Italia at kung saan mga tatlo rito ay naka-himpil sa Roma. Ang mga cohorts na ito ay tinawag ng Guardyang Pang-Praetoria Natanto ni Octavio na maraming daang taong nang hindi nararanasan ng mga Romano ang autokrasya at paghahari, at kaya nangingilag sila sa kanya. Hindi niya gustong tingalain siya bilang isang diktador. Kanyang pinanatili ang ilusyon na isang republikang konstitusyonal ang pamahalaan. Kanyang ipinakita na parang gumagana pa ang batas ng Republikang Romano. Kahit na ang ibang nakalipas na mga diktador tulad ng malupit na si Lucius Cornelius Sulla, maikling panahon lamang (hindi hihigit sa isa o dalawang taon maliban kay Julio Cesar) , ang pamumuno nila sa Roma. Noong siglo 27, opisyal na sinubukan ni Octavio na ilipat ang lahat ng extraordinaryong kapangyarihan Senadong Romano. Sa isang pagkukunwari, kaalyado niya ang mga senador noong panahong iyon at kaya’y nagmakaawa sa kanya na sa kanya na lamang ang mga kapangyarihang ito para sa kapakanan ng republika at bayan ng Roma. Naiuulat ang pagtatangkang pagbaba bilang isang konsulado ni Octavio ay nagdulot ng kaguluhan sa mga Plebiano sa Roma. Isang kompromiso sa pagitan ng Senado at ni Octavio ang napagkasunduan na tinawag na Unang Kasunduan. Ang kasunduang ito ang nagbigay ng lehitimong pamumuno ni Augusto bilang isang autokrata ng bayan at nagtatalaga na hindi siya tatawaging malupit na puno na naging simula ng mahabang panahon na tatawing Pax Romana Hinati ni Octavio sa pagitan niya at sa Senado ang pamamahala ng mga lalawigan. Ang mga hindi masupil ng lalawigan sa mga hanggahan kung saan nakahimpil ang kalakhan ng sandatahang pandigma ay nasa ilalim ng mga legadong imperyal na pinili ng mismong emperador. Tinawag ang mga probinsyang ito na probinsyang imperyal. Ang mga gobernador ng mga mapayapang probinsyang senatorial ay pinili ng Senado. Mapayapa ang mga probinsyang ito na nangangailan lamang isang lehiyon tulad ng lalawigan ng Africa.
No comments:
Post a Comment