Wednesday, January 7, 2009

♥ Mga Nagsipag Gumawa♥

♥Mary Bernadette Asprer♥
♥Jeninder Kaur Mushiana♥
♥Ericsson Buenaventura♥
♥Ana Fatima Carballo♥
♥Ruina Trisha Ruiz♥
♥Jonas Danting♥
♥Germaine Dela Cruz♥
♥Marco David Ronquillo♥
♥Esmeralda Gonzales♥
♥Ma. Crisara Pulumbarit♥
♥Louie Jay Despi♥

Renaissance

"KAHULUGAN NG RENAISSANCE"aNu nGa bA ang ReNaIsSancE?

_> ito ay nagmula sa salitang French na nangangahulugang "muling pagsilang" o rebirth

._> kilusang kultura o itelektwal na nagtangkang ibalik ang kagandaan ng sinaunang kulturang greek at roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon.

_> Panahon ng trasisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon.

_> Ang Renaissance ay kinakitaan ng pagtaliwas mula sa mga kaisipan na laganap noong Middle Ages kung saan ang tuon ay sa papel ng simahan sa buhay ng tao.


"PAG-USBONG NG RENAISSANCE"

Dail sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksyon sa europa sa middle ages.Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mga mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan.

Tuesday, January 6, 2009

PAG-USBONG NG KABIHASNAN SA MUNDO



PAG-USBONG NG KABIHASNAN SA MUNDO







a. Kabihasnang Mesopotamia



· Sa rehiyon ng Fertile Crescent matatagpuan ang isang lupain na
tinatawag na Mesopotamia na nangangahulugang lupain sa gitna ng ilog.


· Unang namuno ang mga Sumerian sumunod ang Babylonian, ni Hamurabi, sumunod ay ang huli na si Nebuchenezzar.


· Nagkaroon sila ng kalakalan sa karatig lugar at nabubuhay sila sa pagsasaka.


· Gumawa sila ng bahay ng mga Diyos na tinawag na Ziggurat.

b. Kabihasnang Persiano


· Ang mga Persiano ay nagmula sa kabundukan ng Han sa silangan ng Mesopotamia.


· Ang una nilang hanapbuhay ay pagsasaka.


· Gumawa sila ng gusali sa pamamagitan ng “bricks”.

c. Kabihasnang Tsino


· Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing- ilog, malapit sa Yellow River o Huang Ho.


· Ayon sa isang alamat, ang kauna- unahang dinastiyang nangibabaw sa China ay ang Xia o Hsia.


· Ang mga sinaunang pinuno ng China ay itinuturing na mga “Anak ng Langit” na nagtataglay ng Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan”, nangangahulugan ito ng pagsang-ayon ng mga diyos upang sila ay mamuno kapalit ng pamumunong matiwasay.

d. Kabihasnang Indus


· Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang- kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan.


· Ang kabihasnan ng India ay umusbong sa baybayin ng Indus River. Ang tubig ng ilog ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa katimugang Tibet.

e. Kabihasnang Egypt


· Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado sa pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.


· Noong unang panahon, ang Egypt ay tinawag na “Pamana ng Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.


· Ang matandang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ay tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt. Siya ay itinuturing din bilang isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa.

f. Kabihasnang Meso-America (Maya, Inca, Aztec)


MAYA


· Sa pagitan ng 250 B.C.E. at 50 B.C.E., ang lungsod ng El Mirador ay itinuturing na pinakamalaking sentro bago pa man sumibol ang kadakilaan ng Maya.


· Sa pagitan ng 300 B.C.E. at 700 B.C.E., naabot ng Mesoamerica nag rurok ng kabihasnan sa mga sentrong Maya.


· Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, smoked meat, pinatuyong isda, pulotpukyutan, kahoy at balat ng hayop.


· Isang uri ng sistemang agricultural ang pinasimulan din ng mga Maya, ang pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, avocado, chili pepper, pinya, papaya at cacao.


AZTEC


· Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti- unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.


· Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.Ang ekonomiya ng Aztec ay nakabatay sa pagtatanim. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak para sa buong populasyon.

EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO (PANAHON NG BATO)



EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO (PANAHON NG BATO)
PANAHONG PALEOLITIKO







· Ang Panahong Paleolitiko (Paleolithic Period o Old Stone Age) ang pinakamaagang panahong kinakitaan ng pag-unlad ng tao. Ang terminong ito ay mula sa mga katagng Greek na paleos o “matanda” at lithos o “bato”.
· Ang Panahong Paleolitiko ay nagsimula dalawa’t kalahating milyong taon na ang nakararaan at nagtapos noong 10, 000 B.C.E. sa iba’t ibang lugar. Ito rin ang hudyat ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene.
· Marahil ang pinakamahalagang katangian ng panahong ito ay ang naganap na pagbabagong- anyo ng tao mula sa pagiging isang malabakulaw na nilalang hanggang sa pagiging isang tunay na tao nang lumaon, ang Homo Sapiens.
· Ang pagbabagong ito ay lubhang napakabagal at nagpatuloy pa sa loob ng tatlong mahahabang dibisyon ng Panahong Paleolitiko: ang Lower Paleolithic; Middle Paleolithic; at Upper Paleolithic.
· Ang Lower Paleolithic Period ay panahon ng pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig simula nang maitala sa arkeolohiya ang kanyang pamumuhay.
· Sa Europa at Africa, ang Middle Paleolithic Period ay panahon mula sa kalagitnaan ng Panahong Paleolitiko na tumagal mula 120,000 hanggang 40,000 taon B.P.
· Ang Upper Paleolithic Period ay ikatlo at panghuling dibisyon ng Panahong Paleolitiko sa Europa, Africa at Asya. Saklaw nito ang panahon mula 40,000 at 8500 taon B.P.
· Sa pagtatapos ng Panahong Paleolitiko, lumamig ang klima ng daigdig nang bumaba ang temperatura nang halos 15°C.









PANAHONG NEOLITIKO







· Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic o New Stone Age). Ito ay hango sa mga salitang Greek na neos o “bago” at lithos o “bato”.
· Ang terminong Neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa teknolohiya.
· Katangian ng panahong ito ang paggamit ng iba’t ibang kasangkapang bato na higit na pulido at pino, pananatili ng tao sa mga pamayanan, domestikasyon ng mga pananim at hayop, at pagkakaroon ng mga kasanayan sa paggawa ng palayok at paghahabi.
· Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay itinatakda simula sa pagkakaroon ng malalaki at mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao.
· Ang pinakamaagang pinag- usbungan ng kulturang Neolitiko ay matatagpuan sa Kanlurang Asya sa pagitan ng 8000 at 6000 B.C.E. Sa bahaging ito ng Asya karaniwan ang mga pananim na trigo at barley.
· Sa pamamagitan ng mga isinagawang pagsusuri sa mga naiwang buto, ang isang karaniwang tao sa Catal Huyuk ay tinatayang nabuhay lamang ng hanggang halos 30 taon.
· Ang Catal Huyuk ay isang pamayanang sakahan. Ang mga tao rito ay nagtatanim ng trigo at barley at nag- aalaga ng mga tupa at baka.
· Ang kulturang Neolitiko sa Kanlurang Asya, particular sa lambak- ilog ng Tigris- Euphrates, ay yumabong sa pagiging isang sibilisasyon sa Panahon ng Bronse noong 3500 B.C.E.
· Sa pagitan ng 6000 B.C.E. at 2000 B.C.E., ang kulturang Neolitiko ay kumalat sa Europa, at sa mga lambak- ilog ng Nile sa Egypt, Indus sa India, at Huang Ho sa China.
· Ang pag- usbong ng mga kabihasnan sa daigdig ay hudyat muli ng panibagong kabanata sa kasaysayan ng sangkatauhan.

DIOCLECIAN CONSTANTINE






Si Diocletian at si Constantine




Si Gaius Aurelius Valerius Diocletianus (c. 236-316), na ipinanganak na Diocles (Greek Διοκλής) at kilala sa Ingles na Diocletian, ay ang emperador ng Roma mula Nobyembre 20, 284 hanggang Mayo 1, 305.















Si Constantine V Kopronymos o Copronymus (sa Griyego: Κωνσταντίνος Ε΄, Kōnstantinos V; 718–Setyembre 14, 775) ay ang emperador ng Byzantine mula 741 hanggang 775.










Ang Sinaunang Roma


Ang Sinaunang Roma


Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa, hilagang Afrika, at kanlurang Asya na nagtagal mula 753 BCE hanggang 476 CE. Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediterranean at bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat Itim.Ang mga Digmaang Puniko (Ingles: Punic Wars) ay isang serye o magkakasunod na tatlong digmaang pinaglaban sa pagitan ng Roma at Kartahena noong 264 hanggang 146 BK[1], at maaaring ang pinakamalaking mga digmaan sa sinaunang mundo.[2] Kilala sila bilang Digmaang Puniko (Punic Wars) dahil sa Punici ang taguri sa Kartaheno (Carthaginian) na nangangahulugang mas matandang Poenici, mula sa kanilang mga ninunong Poenisyano (o Phoenician ng Phoenicia).Imperyong Romano ang tawag sa imperyalistang paghahari na ibinunsad ng bansang-lungsod ng Roma at gayundin ng korespondeng panahon ng sibilisasyong iyon na pinamunuan ng isang autokratikong porma ng pamamahala. Ang huli ang tinatalakay dito. Sumunod ang Imperyong Romano sa 500-taong Republika Romana (510 BC – siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ni Gaius Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni Julio Cesar laban sa Dakilang Pompey. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa republika. Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang walang hanggang diktador (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio, na tagapagmana ni Cesar, sa Labanan sa Actium (ika-2 ng Setyembre 31 BC), at paggagawad ng Senadong Romano kay Octavio ng kagalang-galang na pangalang Augusto (ika-16 ng Enero 27 BC).Ang katagang Imperium Romanum (Imperyong Romano) ang pinakilalang katagang Latin kung saan ang salitang imperium ay nangangahulugan ng isang teritoryo sa isang bahagi ng mundo na nasa ilalim ng pamamahalang Romano. Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa Inglatera at Galia (Francia ngayon); sa halos buong Europa (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang Africa, kasama ang katabing lalawigan ng Ehipto, sa mga lugar ng mga Balkans, sa Dagat Itim, sa Asia Menor at halos buo ng Levante. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang Portugal, Espanya, Inglaterra at Francia, Italia, Albania, at Grecia, ang mga Balkanos, Turquia, at mga bahagi ng silangan at timog Alemania; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan: ang kasalukyang Ciria, Libanon, Israel, Jordan at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang Libya, Tunisia, Algeria at Morocco, hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng Gibraltar. Romano ang tawag ng mga taong namumuhay sa mga lugar na ito at napapailalim sa batas Romano. Bago pa man naging monarka ito, matagal nang lumalawak ang nasasakupan ng Roma at nasa tugatog ito sa ilalim ni Emperador Trajano sa pananakop nito ng Dacia (i.e., ng kasalukuyang Romania at Moldova gayundin ang ilang bahagi ng Hungary, Bulgaria at Ukraine noong AD 106, at ng Mesopotamia noong 116 (na sinundan ng pagbabalik ni Adriano). Sa tugatog nito, kontrolado ng Imperyong Romano ang may 5,900,000 km² (2,300,000 milya kwadrado) ng balat ng lupa at nakapaloob na Laot ng Mediterreneo na kung tawagin ng mga Romano na "mare nostrum"—Latin ng “aming dagat”. Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang impluwensyang Romano sa kultura, batas, teknolohiya, wika, relihiyon, gobyerno, militar at arkitektura ng mga sibilisasyong lumitaw sa matandang nuno nito.Minsang inilalagay ang wakas ng Imperyong Romano sa ika-4 ng Setyembre 476 AD nang ibagsak ang emperador ng Kanlurang Imperyong Romano na si Romulo Augusto na hindi na napalitan. Subalit, si Diocleciano na nagretiro noong AD 305, ang nag-iisang huling Emperador ng di nahahating Imperyo kung saan ang kabisera ay ang Lungsod ng Roma. Roma. Matapos hatiin ni Diocleciano bilang Silangan at Kanlurang Imperyo, nagpatuloy ang bawat sanga na may kanyang istilo ng “Imperyong Romano”. Humupa at bumagsak ang Imperyong Romano ng Kanluran sa pagdaan ng siglo 5. Ang Imperyo Romano ng Silangan, na nakatahan sa Nova Roma (na ibinunsad ni Constantino I sa Griyegong lungsod ng Bizancio) at nang lumaon Griyego ang naging pangunahing wika nito na kilala ngayong bilang Imperyong Bizantino at nagpanatili sa mga batas at kulturang Greco-Romano gayunding sa mga Helenikong elemento nito at Kristiyanismong Ortodoxo sa sumunod na milenyo hanggang sa pagbagsak at pagsakop ng Constaninople (Istambul ngayon), ang nagiSi Julio Cesar ay isang Dictator Perpetuus (diktador sa habambuhay) na isang opisyal na puwesto sa Republikang Romano. Ang puwestong ito ay napakataas at hindi karaniwang porma ng diktador. Ayon sa batas, ang pamumuno ng isang diktador ay karaniwang hindi lalagpas sa anim na buwan. Ang puwestong binuo ni Cesar ay malinaw na laban sa pangunahing prinsipyo ng Republikang Romano. Gayunpaman, nakasalalay ang kanyang kapangyarihan sa republikanong titulong ito gaano man kakaiba ito bilang isang republikanong opisyal. Maraming senador, na marami rito ay dati niyang mga kaaway na “maluwat” niyang pinatawad, ang natatakot na puputungan niya ng korona ang sarili at magtatatag ng isang monarkiya. Sumunod dito, nagsabuwatan sila upang patayin siya at noong Ides ng Marso, 44 BC, namatay sa talim ng mga pumaslang ang diktador sa habambuhay.


Si Octavio, na apo sa pamangkin, anak-anakan, at tagapagmana sa politika, ay natuto sa kamaliang ginawa ng nagpamana at hindi gumamit ng kinatatakutang titulong diktador. Sa halip, maingat na itinago niya ang kanyang kapangyarihan sa ilalim pormang republikano. Ginawa niya ito upang maipakita kunyari ang pagbabalik ng Republika. Nagtamo siya ng maraming titulo tulad ng Augustus – “ang iniluklok”, ang Princeps – na isinasaling bilang “unang mamamayan ng republikang Romano” o ang “pangulo ng Senadong Romano”. Ang huli ay iginagawad sa mga nakapaglingkod nang mabuti sa bansa. Si Pompey ay ginawaran din ng titulong ito.Dagdag pa rito, si Augusto (na ng lumaon ay ipinangalan sa kanya) ay ginawaran ng karapatang magsuot ng Koronang Sibiko ng laurel at roble(oak). Gayunpaman, walang titulo o Koronang Sibiko na nagdaragdag sa kapayarihan ni Augusto. Isa lamang siyang marangal ng mamamayang Romano na may hawak ng pagkakonsulado. Naging Pontifex Maximus si Augusto matapos mamatay si Marcus Aemilius Lepidus noong 13 BC. Nang lumaon, kapangyarihan lamang ang kailangan niya at hindi ang mga titulo.Ang Labanan sa Actium ang lumupig at nang lumaon ang naging dahilan ng pagpapakamatay nina Marco Antonio at Cleopatra. Ipinapatay rin ni Octavio ang batang anak ni Cleopartra kasama sa pagbabagsak sa pamumuno ni Cesario. Sinasabing si Cesario ang kaisa-isang anak ni Julio Cesar. Sa pagpatay ni Octavio kay Cesario, nawalan siya ng karibal sa trono na may dugo ni Julio Cesar. Sinimulang baguhin ni Octavio, na ngayo’y nag-iisang namumuno ng Roma, ang mga balangkas nitong militar, piskal at politikal. Ginawa ito upang patatagin at patahimikin ng mundong Romano at lubos na tanggapin ang bagong rehimen. Nang umupo si Octavio bilang puno ng mundong Romano, ginawaran siya ng Senadong Romano ng pangalang Augusto. Inangkin rin niya ang titulong imperator “ulong komandante” bilang pangalan. Ito ay isang kataga noon pang panahon ng Republika at nang lumaon ay uminog sa katagang emperador. Bilang ampong tagapagmana ni Cesar, ginusto ni Augusto na tawagin rin siya sa pangalang ito. Bahagi raw ang Cesar sa apelyido niya. Ang pamumuno ng Julio-Claudio ay tumagal nang may isang siglo (mula kay Julio Cesar noong gitna ng siglo 1 BC hanggang kay Emperador Nero noong gitna ng unang siglo AD). Noong dumating ang Dinastiya ni Flavio, ang reino ni Vespasiano at ng dalawa niyang anak na si Tito at Domiciano, uminog ang katagang Cesar mula bilang isang apelyido, de facto, hanggang maging isang pormal na titulo. Matutunghayan pa rin magpahanggang sa kasalukuyan ang mga hinalaw na titulo mula rito (tulad ng czar at kaiser). Ang bilang ng lehiyong Romano, na sumukdol sa halos 50 dulot sa mga giyera sibil, ay bumaba sa 28. Marami rito ang binuwag lalo kung saan hindi tanto ang katapatan,. Ang ibang lehiyon ay pinagsama tulad ng ipinahihiwatig ng titulong Gemina (Kambal). Nagbuo rin si Augusto ng siyam na espesyal ng cohorts na maliwanag na ginawa upang mapanatili ang kapayapaan sa Italia at kung saan mga tatlo rito ay naka-himpil sa Roma. Ang mga cohorts na ito ay tinawag ng Guardyang Pang-Praetoria Natanto ni Octavio na maraming daang taong nang hindi nararanasan ng mga Romano ang autokrasya at paghahari, at kaya nangingilag sila sa kanya. Hindi niya gustong tingalain siya bilang isang diktador. Kanyang pinanatili ang ilusyon na isang republikang konstitusyonal ang pamahalaan. Kanyang ipinakita na parang gumagana pa ang batas ng Republikang Romano. Kahit na ang ibang nakalipas na mga diktador tulad ng malupit na si Lucius Cornelius Sulla, maikling panahon lamang (hindi hihigit sa isa o dalawang taon maliban kay Julio Cesar) , ang pamumuno nila sa Roma. Noong siglo 27, opisyal na sinubukan ni Octavio na ilipat ang lahat ng extraordinaryong kapangyarihan Senadong Romano. Sa isang pagkukunwari, kaalyado niya ang mga senador noong panahong iyon at kaya’y nagmakaawa sa kanya na sa kanya na lamang ang mga kapangyarihang ito para sa kapakanan ng republika at bayan ng Roma. Naiuulat ang pagtatangkang pagbaba bilang isang konsulado ni Octavio ay nagdulot ng kaguluhan sa mga Plebiano sa Roma. Isang kompromiso sa pagitan ng Senado at ni Octavio ang napagkasunduan na tinawag na Unang Kasunduan. Ang kasunduang ito ang nagbigay ng lehitimong pamumuno ni Augusto bilang isang autokrata ng bayan at nagtatalaga na hindi siya tatawaging malupit na puno na naging simula ng mahabang panahon na tatawing Pax Romana Hinati ni Octavio sa pagitan niya at sa Senado ang pamamahala ng mga lalawigan. Ang mga hindi masupil ng lalawigan sa mga hanggahan kung saan nakahimpil ang kalakhan ng sandatahang pandigma ay nasa ilalim ng mga legadong imperyal na pinili ng mismong emperador. Tinawag ang mga probinsyang ito na probinsyang imperyal. Ang mga gobernador ng mga mapayapang probinsyang senatorial ay pinili ng Senado. Mapayapa ang mga probinsyang ito na nangangailan lamang isang lehiyon tulad ng lalawigan ng Africa.

Mga Isyong pang Kapaligiran ng Daigdig


Mga Isyong pang Kapaligiran ng Daigdig


Iligal Na Pagtrotroso: ito ang isang dahilan kong bakit nawawasak ang ating magandang kapaligiran at nakakapagdulot ito ng pag baha sa kadahilanang pinuputol ng walang paalam ang mga puno sa kabundukan.



Dynamite Fishing: ito ang isang dahilan kong bakit nawawasak ang magandang yamang tubig natin dahil dito nasisirra ang mga corals n g ating dagat kaya ang ipekto nito sa atin ay mabilis na pagtaas ng tubig dagat.at dahil dito marami ang naapektohandahil sa tubig baha.


Air pollution: ito ang isang dahilan kong bakit nasisira an gating kapaligiran dahil sa mga sasakyan na naglalabas na maiitim na usok.

Mga Unang Tao


Pinagmulan ng Unang Tao


Bungo ng Taong Peking.Mula sa panukala ng pagbabago o teoriya ng ebolusyon, nilahad na "mga nilalang na anyong bakulaw" ang "pinakahuling pinagmulan ng tao." Nilarawang mga "hukot, hindi lapat ang katawan sa paglakad nang nakatayo sa dalawang paa" ang mga ninunong bakulaw ng kasalukuyang mga tao. Nagkaroon ng mga patung-patong na pagbabago bago naging tunay na tao ang mga bakulaw. Kabilang sa "patong" na ito ang pagbabago sa anyo ng paa, baywang, at gulugod (ang buto sa likuran). Sa larangan ng biyolohiya, tinawag na homo erectus o mga unang taong nakatindig ang mga unang taong nagkaroon ng mga katawang may kakayahang "mabuhay nang nakatayo" sa maghapon, sa araw-araw, at sa habang may buhay. Kabilang sa mga ito ang mga taong Java, taong Peking (taong Beijing, kung isasalin sa kasalukuyang paraan ng romanisasyong pang-wikang Intsik), at taong Tabon). Natagpuan ang mga labing buto ng mga ito sa Asya.


Australopithecus (bakulaw na Taga-timog): pangalang binigay sa uri ng unang tao

Africanus: matulis ngipin, karne, di-tuwid katawan sa paglakad, kasangkapang bato't buto, kaunting noo, maliit at payat kaysa sa robustusRobustus: gulay, lumalakad nang patayo subalit di tuwid, walang noo, walang kagamitan, nakatira sa kagubatan, masmalaki sa africanusCro-Magnon: masmalaking utak kaysa sa atin, matangkad(6talampakan), malalaki ang katawanCarl Sagan: malaki man ang katawan nila, nandito pa rin tayo dahil sa ating abilidadNeanderthal: malapat at makapal ang bungo sapagkat higit na malaki ang laman nitong utak kaysa karaniwang tao ngayonHomo Habilis: mataas noo, karne't gulay, lakad patayo't tuwid, kasangkapang bato,nagtayo ng tirahan, higit na malaking utak kaysa Australopithecus, namuhay bilang pangkat

Homo Erectus: Mataas noo, karne, gulay, nakatayo sa paglakad, iba't ibang tirahan, kagamitan, apoy, di-kataasan..

Ebolusyon ng Tao


ANG EBOLUSYON AT TEORYA NG TAO


Teorya ng Ebolusyon: Isinasaad dito na ang mga tao ay nagmula sa mga unggoy. Ang teoryang ito ay ipinakilala ni Charles Darwin at ni Landa Jocano.Charles Darwin: Origin of the Species; ang tao'y di basta-bastang sumulpot kundi unti-unting dumating sa kasalukuyan niyang kalagayan at hitsura; unang nagbigay ng ebidensyang nagpatunay dito; maraming tao ang di naniwala dito dahil labag daw ito sa istorya ni Adan at Eva. Humanap ang mga siyentipiko ng ebidensiya upang mapatunayan ang teorya ni Darwin. Isang hulma ng tinatayang wangis ng Taong Java.Noong 1859, sa pangunguna ng siyentipikong si Charles Darwin, maging ni Alfred Russell Wallace, ang panukalang nagbuhat ang mga hayop - kabilang ang tao - mula sa mga nilalang na may ibang kaanyuan. Sinabi pa rin nila na bunga ng mga "pagbabagong kinailangan sa loob ng mahabang panahon" ang kasalukuyang anyo ng tao at ng iba pang mga hayop.

Pagusbong at Paglaganap ng Kristiyanismo


PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO


Dinala ng mga misyonero ng simbahan ng kristiyanong pananampalataya at kabihasnang roman sa mga paganong tribu ng hilaga at silangang europa.mula sa france si st.patrick ay pumunta sa ireland noong unang bahagi ng ikaapat na siglo.nagtagumpay siya sa pagpapalaganap ng kristiyano sa mga irish.si clovis ,hari ng mga frank,ay nagasawa ng isang kristiyano at bininyagan sa katedral ng rheins noong 496.noong 587,ipinadala ni papa gregory si augustine sa england.siya ay tinanggap ng haring kent sa canterbury.mula noon ang canterbury ay naging sentro ng kristiyanismo sa england.si st.bonifce naman ang kinikilalang apostle of germany.dalawang magkapatid sina cyril at methodius ang nagpakilala ng kristiyanismo sa mga slav o mga tao sa balkanb peninsula.sa iba pang bahagi ng europa tulad ng spain,poland,denmark,norway,sweden at hungary lumaganap ang kristiyanismo.mula sa pagkakatatag nito hanggang sa ika-11siglo,ang kristiyanismo ay lumaganap sa Europa.




PAGLAKAS AT PAGLAGANAP NG KRISTIYANISMO


ang pagbagsak ng imperyong roman ang naghuhudyat sa pagtatapos ng sinaunang panahon sa kasaysayan ng europa.ang sumunod na milenyo ay tinawag na middle ages ay nahahati sa EARLY MIDDLE AGES 500-1050 C.E HIGH MIDDLE AGES 1050-1270C.E LATE MIDDLE AGES 1270-1500 C.ESa middle ages ang ilang katangian ng kabihasnang klasikal greece at rome ay hinalo sa ibat ibang larangan ng kabihasnan german upang bumuo ng isang huwaran na pamumuhay na tinatawag na medieval.




SI JUSTINIAN AT ANG SILANGANG IMPERYONG ROMAN


Mula 527-565 c.e, si Justinian ang namuno bilang emperador ng silangang imperyong Roman.Layunin niya na maging makapangyarihan muli ang imperyong roman sa buong mediterranean.Sa panahon niya,lumawak ang imperyo sa buong italy,hilagang africa,asia minor,syria at timog spain.Tinalo ng ng kanyang hukbo ang mga vandal sa hilagang africa,ostrogoth sa hilagang italy at visigoth sa spain.Subalit bigo siyang sakupin ang hilaga at gitnang europa.Nanatiling nasa kamay ng mga tribung german at hilagang europa.Sa kahuli-hulihan,kinailangan niyang pabalikin ang kanyang mga hukbo sa silangan at tuluyang talikuran ang anumang tangka na muling buhayin ang kanlurang Imperyong Roman.




ANG HAGIA SOPHIA


Ipinatayo ni justinian ang simbahan ng hagia sophia na ang ibig sabihin ay church of holy wisdom o banal na karunungan.Ito ay ginawa ng mahigit 10,000 tao at natapos pagkalipas ng pitong taon.Pinagsama sa hagia sophia ang lahat na magaling na klasikial at kristiyanong sining.Sa labas,makikita rito ang malalaki at matitibay na pader at dambuhalang dome.Ang loob nito ay napupuno ng makukulay na mga larawan ni hesukristo at mga santo.

Imperyong Byzantine



IMPERYONG BYZANTINE




Noong 330 c.e,inilipat ni emperador constantine ang kabisera ng imperyong roman sa constantinople,sa dakong silangan ng imperyo kung saan ang wika ng nakararaming tao ay greek .Nang muling gawing kabisera ang rome noong 395,ito ay bilang kabisera lamang ng kanlurang bahagi ng imperyo.Nanatili ang mga constantinople bilang kabisera ng silangang imperyong roman.Bagamat bumagsak ang kanlurang imperyong roman noong 476 c.e,ang silangang imperyong roman ay nanatiling buhay.Subalit ng lumaon.nahalinhan ang silangang imperyong roman ng isa pang imperyoonmg may kakaibang katangian.Ito ang imperyong byzantine.Simula noong ikaanim na siglo,sinikap nito na muling itatag ang pagkakaisang pulitikal sa mga rehiyong mediterranean.






ANG PAMAHALAANG BYZANTINE




Sa pamahalaang byzantine,ang emperador ang lubos na pinuno ng pamahalaan.Noong una,siya ay hinalal ng senado,ng mga tao,ng hukbo o lahat silang tatlo.Namg lumaon,naging kaugalian na payagan ang anak ng emperador na humalili at pagkatapos ay alisin siya kung mahina o walang kakayahan.Ang emperador ay itinuturing na banal at hinirang ng diyos.Nakatira siya sa isang magarang palasyo at gumaganap sa maraming seremonya.Sa pamahalaang sibil,walang hihigit sa emperador sapagkat siya ang gumagawa ng batas at nagpapatupad nito.Nangingibabaw ang kanyang kapangyarihan sa simbahan.siya ang humirang sa patriarch ng constantinople na tumatayong pinuno ng simbahan.Siya ang tumatawag ng mga pagpulong ng simbahan at inilalathala niya ang dekrito nito.Sa pangkalahatan,siya ang nangagasiwa ng lahat ng ginagawa ng mga pari.




MGA KONTRIBUSYON NG BYZANTIUM SA KABIHASNAN




Napatanyag ang byzantine hindi lamang sa pagiging imperyo kung hindi sa pagiging sentro ng pag-aaral.nagsama sa byzantine ang kaalamang ipinamana ng mga greek ang nanaig at hindi ang kabihasnang roman.mahalaga ang kontribusyon ng imperyong byzantine sa daigdig.samantalang nababalot sa kaguluhan ang europa at bumaba ang interes sa pag-aaral,namayagpag ang mga iskolar ng Byzantine.






Pagbagsak ng Roma




~Pagbagsak ng Imperyo ng Roma~

 noong 105 B.C.E. binigyan ng mga mandirigmang German ng isang kakila-kilabot na pagkatalo ang hukbong Roman


9 C.E. tuluyang winasak ng mga barbarong tribu ang tatlong legion o army ng Rome

noong 161 hanggang 180 C.E. habang si Marcus Aurelius ay lubhang naging mahirap para sa mga Romano ang pigilan ang mga tribung German.





sa labanan sa Adrianople noong 378 C.E. ay tinalo ng isang hukbong Visigoth ang hukbo ni Valens na kasalukauyang emperador ng Roma noon at napatay din si Valens

noong 410 C.E. ay pinasok ng mga Visigoth ang Roma at dinambong ang lungsod sa pamumuno ni Alarice

paglusob ng mga barbarong tribung German

kawalan ng katatagang pulitikal at maayos na batayan ng pagpapalit ng emperador

pag-upo ng mahinang emperador at mga maluluhong emperador

mahinang pundasyon ng ekonomiya ng imperyo

mataas ang bahagdan ng mga taong walang trabaho.


Kabihasnang Gresya



-Heograpiya-

isa sa mga natatanging kabihasnan na hindi nakasentro sa dagat

ito ay matatagpuan sa dulo ng timog ng Bulkang Peninsula sa timog silangang Europa


iregular ang baybaying dagat ng Gresya at maraming daungan

bulubundukin ang Gresya kaya ang naidulot nito ay ang pagkakalayo-layo ng mga siyudad

: angkop sa pagtatanim ng uas, olive, trigo at barley

mabundok at mabato

1/5 na lupa lamang ang maaring sakahin dito

isang magandang lupain ang Gresya, may asul na katubigan at bughaw na ulap at kaaya-ayang klima


~Mga Minoan at Mycenaean~


napatunayan ang mataas na uri ng kabihasnang Minoan at Mycenaean dahil sa natagpuang mga lilok na yari sa metal o bronse at ang pagkakahukay sa palasyo ng Knossos




: ang tawag sa sibilisasyong nalinang sa Crete bilang parangal kay haring minos; ang Minoan ay kabilang sa Panoho ng Bronse na umusbong sa isla ng Crete; ang mga ninuno ng Crete ay nanggaling sa Anatolis sa Syria na magagaling na mga mandaragat at dumating sa Crete sa pagitan ng 4000 at 3000 B.C.E.; dati silang naninirahyan sa kweba ngunit natuto ring gumawa ng mga payak na tirahan; ang antas ng kanilang teknolohiya ay neolitiko;ang kabihasnang ito ay sumisimbolo sa pulo ng Crete sa Aegean Sea sa pagitan ng 1600 at 1400 B.C.E.;ang kabisera nito ay Knossos; ang sistema ng paqgsulat ay Linear A


: ang pangkat ng mga tao sa Crete at ibang pulo ng Aegean na nandayuhan sa Greece; 1400 B.C.E. sinalakay ng mga Myceneaen ang Knossos at pinalitan ang mga Minoan bilang mga hari ng komersyo sa Aegean Sea; ang kabisera ay ang lungsod ng Mycenae; pinakatanyag na hari ay si Agamemnon; ang lungsod ng Troy ay napasakamay ng mga Myceneaen sa isang labanang binigyang-buhay ni Homer sa Iliad; sistema ng pagsulat ay Linear B.

~Kulturang Hellenik~

ang panahon ng kasikatan ng kabihasnang Greek hanggang sa pagkatapos nito noong 338 B.C.E. ay kadalasang tinatawag na Panahon ng Hellenic

sa panahong ito ang pagunlad ng kabihasnan ay nakapaloob lamang sa Greece


~Greek Mythology~

orihinal na anak anak ng 12 Olympians


Zeus- God of heaven and sky; kapag kumidlat ay galit si Zeus


Poseidon- God of sea, earthquakes, horses; kalahating isda; asawa ni Amphitrite- the sea nymph

Athena- God of wisdom, crafts, domestic arts, handicrafts; born in forehead

Aphrodite- God of beauty, love, fertility


Hera- God of women

Demeter- God of agriculture


Hades- God of hell, underworld, wealth; kapatid ni Zeus; asawa ni


Phesphone- anak ni Demeter; 4 seasons

Apollo- God of light, music, truth, healing; kakambal ni Artemis;

Artemis- God of moon, hunting; vigin goddess

Hephaestus- God of fire; Diyos ng mga Panday; ugly; asawa ni Aphrodite

Ares- God of war; anak ni Zeus kay Hera; tinalo si Hercules; nakiki-apid kay Aphrodite

Hermes- Messenger; anak ni Zeus kay Maia


Hercules- ½ God; mortal ang ina; major Greek hero; nakipaglaban sa mga higante; pinuwersa na pumunta sa 12 labors para pagbayaran ang mga pagpatay na kanyang kinasangkutan


Hestia- kapatid ni Zeus

~Athens at Sparta~

nasa kapatagan ng Attica



demokratikong estado


sentro ng kalakalan ng Greece

iniwasan ng Athens ang maging isang Monarkiya o ang hari ay ang namumuno

ang tawag sa ganitong uri ay oligarkiya

nang kinalaunan ay pinatupad ng Athens ang direct democracy

“ESTADO para sa TAO”

LAYUNIN:

makasining

malakas

edukado



matalino

mahusay

nasa isla ng Peloponnesus

militaristikong estado

isang estadong mandirigma

ang pangunahing layunin ay gumawa ng maraming sundalo.



tanging ang malakas lamang ang pinapayagang mabuhay


Dakilang Polis

Nagtalo si Athena at Poseidon kung kanino ipapangalan ang Athens

*Poseidon* *Athena*


Salt water Olive tree


(simbolo ng kasaganaan at kapayapaan)




Cecrops- hari ng Athens

Athena->Anthenei->Athens

dalawang bahagi: Upper City- Acropolis at Lower City


“TAO para saESTADO”

LAYUNIN:

matapang disiplinado malakas matibay mandirigm


~digmaang peloponnesian~

pinangunahan ng Athens ang Delian League; pinilit ng Athens na magbayad ng buwis ang mga kasapi sa Delian League at kinamkam nila ang mga lupain ng mga tunay na may ari; ang Delian League ay nagging daan sa pagpapalawig ng imperyong pangkalakalan ng Athens; nagresulta ng digmaan ang alitan sa pagitan ng mga lungsod estadong kasapi sa Delian League at ng Athens; 431 B.C.E sumiklab ang Digmaang Peloponnesian; nagsamasama ang mga lunsod-estado sa Peloponnesus at ang Sparta ang napili nila na mamumuno sa kanila laban sa Athens at natalo ng Sparta ang Athens; nagpatuloy ang sigalot sa iba’t-ibang lungsod estado hanggang sa bumagsak ang pamumuno ngSparta sa Labanang Leuctra noong 371 B.C.E.

~digmaang persiano~


Sanhi:
*Pagtulong ng Athens sa Eretria, kolonya ng Persia sa may Asia Minor*


1) Labanan sa Marathon (26 mile away from Athens)


Greece (Athens) King Miltiades *nanalo*

VSPersia  King Darius

PheidippidesAthenian runner inutusan ni King Miltiades na tumakbo papuntang Athens para ibalita ang pagkapanalo ng Athens.


2)Labanan sa Thermopylaeisang pass o makipot na pook

Greece (Sparta) King Leonidas

VS


Persia  King Xerxes *nanalo*


Ephialteskatututbong binayaran ni King Xerxes ng ginto para ituro ang daan sa likod para






3)Labanan sa Salamisisang kipot o strait sa Athens


Greece (Athens)  King Themistocles *nanalo*
VS
Persia King Xerxes

4) Laban sa Platae

nagwagi muli ang Athens

tuluyan nang bumalik ang mga Persiano sa kanilang lupain


~mga ambag ng kabihasnan ng gresya~

democracy

trial by jury

classification of living things

Epics

Greek Mythology



OlympicGames

Marathon

architecture

philosophy


 Scientific Method

Hippocratic Oath


~Ang Macedonia at si Alexander The Great~

ipinanganak sa Pella, Macedonia

anak nina King Philip at Olympias ng Epirus

napangasawa si Roxana ng Bactaria

anak si Alexander IV

guro si Aristotle

mahusay na manlalaro

edad 20 naging hari ng Macedonia

namatay ng 33 taong gulang


isa sa mga pinakamagaling na lider military sa kasaysayan ng mundo

nasakop: Greece, Asia Minor, Syria, Egypt, Babylon

ang Alexandia sa Ehipto ang sentro ng kulturang Griyego sa mundo


mga planong sakupin: Arabia, Africa, kanlurang Europa

pag-isahin ang lahat ng tao at pagsamahin ang kultura ng Greece, Egypt, Fertile Crescent at India


~kulturang hellenistik~


Greece: 324 BCE- 100BCE

sa panahong ito kumalat ang kabihasnang Greek sa halos lahat ng kilalang bahagi ng daigdig.


Pag-unlad ng Kalakalan (Espesyalisasyon at Guilds)



Pag-unlad ng Kalakalan (Espesyalisasyon at Guilds)




Guilds- ito ay samahan ng mga mangagawa at mangangalakal

Hanseatic Guild- ito ay pinakamalaking guild na naitatag ng 70 na lungsod ng europa noong gitnang panahon.


Pagkakaroon ng guilds


Controlled membership- apprentice- journeyman- master craftsman.


Controlled prices.

Controlled quality of the product (master piece)

Pag-unlad ng Bayan at Lungsod

Pag-unlad ng Bayan at Lungsod

-pagamit ng barya o pera (money economy), (florin) Florence at (ducat) ng Venetia.

(mgaprodukto ng bawat lugar)


♥Venice sa Italy- basong kristal

♥Jeres sa Spain- cherry

♥Dresden sa Germany- porselana

♥Antwerp sa Belgium- pagbuburda

♥Toledo sa Spain- bakal

♥Oporto sa Portugal- alak

Mga Krusada



MGA KRUSADA



Ang mga Krusada serye sa mga Gubat sa Tinuhuan nga gubat sa mga Europeong Kristyano batok sa mga hulga sa sulod ug sa gawas sa ilang pundok.


Ang tumong sa orihinal nga krusada mao ang pagbawi sa Jerusalem ug sa Balaang yuta, apan tungod sa mga maharlika nahimong mas politikal inay relihiyoso nga gubat. Usa ka ehemplo mao ang Ika-apat nga Krusada, nga misimang hinuon ngadto sa Constantinople ug gisakop kini.

Ang mga maayong natampo sa mga Krusada mao ang pagka-abli sa pagtan-aw sa mga Uropeo ngadto sa Asya. Sa makausa pa, nadasig sila sa pag-diskubre sa mga yuta nga anaa sa asya.

Ang Krusada ay isang serye ng hidwaang militar na may kaugnayan sa relihiyon na itinaguyod ng karamihan ng Kristiyanong Europa noong 1095-1291, karamihan nito ay pinagtibay ng Papa sa ngalan ng Kristiyanismo. Ang kaunaunahang layunin mga Krusada ay ang mabawi ang Jerusalem at ng "Banal na Lupain" mula sa kapangyarihang Muslim at kaunaunang binunsod bilang tugon sa panawagan mula sa Eastern Orthodox Byzantine Empire upang masugpo ang pagdating ng Muslim na Seljuk Turks sa Anatolia.

Nagbalak si Papa Urbano II na bawiin ang banal na lupain sa kamay ng mga Muslim noong 1095. Pinangunahan ng mga maharlikang Pranses at Norman ang unang krusada. ang ikalawang Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Eugenius II, Ang ikatlong krusada naman ay mas kilala sa tawag na Krusada ng tatlong Hari sapagkat Tatlong Hari ang nanguna nito. sila ay si Haring Richard I ng Great Britain, haring Philip II ng France at Emperador Frederick Barbossa ng Germany. Habang ang ika-apat na Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Innocent III. Ang Krusada naman ng mga kabataan ay nabigo dahil sila ay nilinlang ng sinakyan nilang barko at ipnagbili bilang mga alipin.

Panahon ng Pagtuklas at Pangangalakal at pangngalugod




Panahon ng pagtutuklas at Pangangalakal at pangangalugod
Mananakop/Taon Narating/Natuklasan Nasako

Portugal

1. Bartolome Diaz
(1488) Dulong timog ng Africa
(Cape of storms) Spice islands
India
Java


2. Vasco De Gama
(1498) Cape of Good Homes
Nakatuklas sa India Sumatra
Celebes


3. Pedro Cabral
(1500) Nakarating sa Brazil Borneo
Mallaca


Spain
1. Christopher Columbus
(1492) Natuklasan ang mga “Bagong Daigdig” o Amerika. Halos lahat ng Lupain sa Timog America at Gitnang Amerika at Estados Unidos.


2. Basco Nunes de Balboa
(1513) Nayuklasan ang Pasific Ocean.


3. Ponce de Leon
(1513) Florida


4. Hernando Cortez
(1519) Mexico


5. Ferdinand Magellan
(1519-1529) Na kakaikot sa Daigdig.


6. Francisco Pizarro Peru




Pransya


1. Jacques Cartier St. Lawrence Canada

2. Samuel Champlain Quebec, Canada &

3. Jacques Marquette at Louiss Juliet Mississippi Mississippi

4. Sielvr dela Salla Ibabang bahagi ng Mississippi river
Louisana. Valley


Inglatera

1. John Cabat San Labrador


2. Francis Drake Circumnavigated the world


3. Gilbert New Founland Atlantic Coast


4. Raleigh North Carolina


5. James Cook Australia


Netherlands


1. Henry Hudson Hudson River Area Around the Hudson River.

Continental Drift Theory

Continental Drift Theory


Ito ay isang teorya kung saan ippinapali-wanag ang pagbubuo,paglilipat-lipat o
paghahalinhinan at ang sobrang bagal na pag-kilos ng mga kontinente sa earth crust.


Teorya ng pakakaanod ng kontinente, inalahd ito ni Alfred Wegener noong 1912. Isinasaad dito na noong 200 milyong taong nakalilipas, iisa lamang ang kontinente sa mundoAng pangea. Malipas ang ilang daang taon, ito ay nahati sa dalawang kontinente , ang laurasia at gondwanaland at nahati pa ang mga ito sa iba’t ibang lupa na katulad ng sa kasalukuyan.

Pinagmulan ng Daigdig

1.Paglikha ayon sa bibliya

diyos=tagapaglikha


unang araw=liwanag(araw at gabi)

(kasama na ang langit at lupa.)

2. Paglikha ayon sa (myth)mito o alamat(legend)

Pilipinas =bathala=creator



Griyego=greek mythology


Zeus=chief god(heaven)


Poseidon=sea


Gaia=earth

Hades=underworld

Demeter=agriculture

Hera=home and women



India(hinduism)



1.Brahma(creator)

2.Vishnu(preserver)

3.Shiva(destroyer)



Tsina=panku=creator

yin=male,white,positive

yang=female,negative,earth


Japan

Izanami=female

Izanagi=male


(creator and destroyer)



Egypt


nut=(heaven)

geb=(earth)

ra=(sun God)

Mesopotamia


GILAMESH EPIC

Enlil=air,wind,storm

Ea=water

Anu=Heaven

Monday, January 5, 2009

Pyudalismo

Pyudalismo


Ang pyudalismo (Kinatsila: feudalismo), usa ka termino nga unang gigamit sa sayong modernong panahon (siglo 17), sa klasikal nga paglantaw mipasabot sa sistemang politikal sa Mediyebal nga Uropa. Kini gitibuok sa resiprokal nga legal ug militar nga mga obligasyon sa manggugubat nga namuno - sa mga lord, vassal, ug fief. Bisa'g gikan sa Latin nga pulong nga feodum (fief), ang terminong pyudalismo ug ang "sistema" niini wa mahimugso isip pormal nga sistemang politikal sa mga tawong namuyo sa panahong Mediyebal.

Si Charlemagne




Si Charlemagne




· naging hari ng mga Frank si Charles; tinawag siyang Charlemagne


· Carlemagne: Carolus (Charles) at Magnus (great); o Charles the Great


· Pumunta sa Italy at tinalo ang mga Lombard; nilupig ang mga Saxons at mga Avar sa rehiyon ng Danube River


· Namahala siya ng isang malawak na imperyo, mula Danube River hanggang Atlantic Ocean, Rome hanggang Baltic Sea at North Sea


· Ang mga pari ay nagdaragdag ng mga Kristiyano para sa Simbahan


· Holy Roman Empire o Banal na Imperyong Romano


· Hinati ang imperyo sa mga county; naghirang ng count sa bawat county


· Missi dominici: “messengers of the lord”; nagpanatili ng batas at kaayusan


· Mark o march: distritong pangtanggulan; pinagtatangol ang mga hanggangan ng imperyo
· Aix-la-Chapelle: kabisera ni Charlemagne; binuhay rito ang karunungan; nagpatayo ng mga paaralan
· 800 CE: pumunta si Charlemagne sa Roma; pinatong ng Papa ang korona sa ulo ni Charlemagne

Simbahang Katoliko sa Gitnang Panahon



Mayroong tatlong papel na ginampanan ng Simbahang Katoliko sa Panahon ng Karimlan, at ito ang:






1) Paglaganap ng Kristiyanismo




♥ Franks - unang pangkat ng barbaro na tumanggap ng Kristiyanismo




♥ Clovis - pinuno ng mga Franks na naghikayat sa mga ito na tanggapin ang Kristiyanismo




♥ St. Augustine - nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Europa




♥ St. Patrick - nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Ireland




♥St. Boniface - nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Germany at nagtatag ng mga paaralan at monasteryo




2) Tumulong at Nagbigay ng Pagkain sa mga Mamamayan




♥ Ang mga gulay at prutas mula sa kanilang mga malalawak na lupain (na donasyon ng mga mayayaman) ay inihahanda upang ipakain sa mga mahihirap at mga nakaranas ng digmaan ~> Nagbigay din ng ilang mga gulay at prutas sa mga pamilya




3) Nagtatag ng mga Paaralan, Pagamutan at Bahay-Ampunan




♥ Apat na uri ng paaralan ang kanilang itinatag:


a) Paaralang Pamparokya - tinuturuang magbasa, magsulat at magbilang


b) Paaralang Pang-awit - tinuturuan ng mga musikang pansimbahan


c) Paaralang Episcopal - sinasanay para sa gawaing pansimbahan


d) Monasteryo - sinasanay upang maging pari o monghe


♥ Nagtatag sila ng mga pagamutan at bahay-ampunan na malapit sa monasteryo.






(.ang impormasyong ito ay nakuha ko sa nagngangalang kyle.)




Mga kontinente ng daigdig.









 Ito ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya and dumadaan buhat sa Bundok Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Caucasus at sa Dagat Itim.



 Ang tiyak na lokasyon ng asya ay nasa humigit- kumulang 10’ south hanggang 95’ north latitude at mula naman 11’ hanggang 175’ east longitude.



 Ang lawak ng asya ay umaabot ng hanggang 164’ longitude at hanggang 85’latitude.

 ‘Ereb’ na ibig sabihin ay bansang nilulubugan ng araw.

 Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo.

 Tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan sa daidig.

 Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina ,India,Mesopotamia,Persia at kabihasnang aramaiko .


 Timog asya ( Land of Mysticism) dahil sa mga paniniwalang tagalay nito at pilosopiya.

 Timog silangang asya ( Farther India at Little China)

 Dahil sa sa kakalatan at impluwensa ng dalawang kabihasnan.


 Kanlurang asya ( moslem world) ito ang bahagi ng asya kung saan matatagpuan ang kalakhang disyerto.


 Kanlurang asya ( soviet Asia) dahil sa mga bansang dating kabilang sa soviet union.






 Ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya.


Tinuringang lunduyan ng sangkatauhan.


 Kadalasang pinagmumulan ng mga sakit dahil sa temperatura(mainit).

 Ito’y binubuo ng mga mayayamang bansa.
}

 Ang mga bansang Ehipto, Libya, Algeria, Morocco at Tunisia ay may mala-Europeo at mala-Arabong pamumuhay kaysa sa pagiging Aprikano nito.


 Ang Katimugang Disyertong Sahara ay ang magiging sentro ng ating pag-aaral sa Aprika dahil narito ang mga awtentikong mga Aprikano (mga Itim at iba pang pangkat) at hindi kagaya ng sa Hilagang Aprika kung saan mga Arabo, Turko at mga Europeo ang mga naninirahan.
Mayaman din ang kulturang Aprika na nagmumula sa mga sari-saring pangkat-etniko. Maraming pangkat na may sarisariling uri ng pamumuhay ang mayroon dito. Iba-ibang sining sa pagpinta, musika , pagsayaw, at iba pang uri ang makikita rito.


Halos lahat ng taga Africa ay maiitim.

 Matatagpuan dito ang kalakhang disyerto at tuyong kalupaan.


 Dito matatagpuan ang pinakamalaking disyerto sa daidig (Sahara Desert).

Ang Hilagang America ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng Daigdig at halos na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran.


Ang Hilagang America ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng Daigdig at halos na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko. Sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran.

Ipinangalan ang Timog Amerika kay Amerigo Vespucci, na ang unang Europeo na nagmungkahi na ang Amerika ay hindi ang Silangang Indies, ngunit isang hindi pa natutuklasang Bagong Mundo.May laki ang Timog Amerika ng of 17,840,000 kilometro kuadrado (6,890,000 milya kuadrado), o nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig.

Hinango ang pangalan ng Latin Amerika sa wikang ginagamit ng mga tao rito. Ang Latin Amerika ay hindi katawagan sa buong Gitna at Timog Amerika. Ipinantatawag lang ito sa dalawapung (20) bansang gumagamit ng Español, Portuges at, maliit na bahagi, Pranses bilang wika. Hindi ibinibilang sa Latin Amerika ang mga bansang gumagamit ng wikang hindi hango sa Latin gaya ng sa mga nasakop ng Inglatera at Olanda.




Sunday, January 4, 2009

ilang impormasyon



Magandang araw!Ito pong blog na ito ay ginawa namin na bahagi ng aming proyekto sa Araling Panlipunan III. Kaming ilang mag-aaral ng Unibersidad ng Regina Carmeli ang nagtulong tulong upang mabuo ito.Layunin nito ang makabuo ng pinagsama samang aralin mula una hanggang sa ikatlong markahan.Layunin din po sana naming maihatid ang mga araling may kaugnayan sa pag aaral ng kasaysayan ng mundo sa iba pang bagay na may kinalaman dito.